RH Bill na patuloy na pinagdedebatihan.
Pro at Anti ay naglipana.
Upang mga saloobi'y sa isyu mapana.
Ngunit RH Bill nga ba'y dapat ba o hindi?
Makatutulong ba sa madlang dumadaing,
Ang mga hatid na kapakinabangan at kasamaan, anong tindi?
Batas na nais ng gobyerno'y ipasa, ay dapat nga bang dinggin.
Panig ng simbahang katoliko'y marapat ding pakinggan.
Sa paggamit ng contraceptives, para ka na ring kumitil ng buhay.
"Humayo kayo at magparami" ayon nga sa bibiya na alam ng tanan.
Mula sa opinyong iyo, RH Bill nga ba'y dapat pasinayaan?
Ayon naman sa gobyerno, ito raw ay para populasyon ay makontrol
Sa paggamit ng contraceptives, family planning at birth control.
Hangarin nila'y hindi naman masama,
Na bansa'y umunlad sa tulong ng populasyong katamtaman na gaya sa banyaga.
Hanggang dito na lang aking tula.
RH Bill, nawa'y mapagdesisyunan na.
Pasya'y sana'y makatulong sa madla,
Nawa'y huwag magdulot ng pinsala.