Ako'y tila isang bahaghari
Na sa malawak na langit na yari
Taglay ko ang iba't ibang kulay
May iba't ibang kahulugang taglay
Dilaw kung ako'y napakasaya
Pula kung damdami'y umalab na
Bughaw sa oras ng kalungkutan
Yang mga kulay na aking tanan.
Mga pagsubok ay tila ulan
Bahagharing tagumpay, nakamtan
Matapos ang unos na nagdaan
Heto't patuloy na lumalaban
Buhay ko ay palaging makulay
Dumaan man, ulang walang humpay
Tulad nga ng isang bahaghari
Ako'y magpapasaya palagi
Mauna man malakas na ulan
Hayaan mo't ako'y susunod man
Hatid ko sa iyo'y kasiyahan
Di mapapantayan ng sino man.
No comments:
Post a Comment