Noong una kitang masilayan
Ganda mo'y di ko malilimutan
Dali dali'y tinanong iyong ngalan
Ani mo'y d'yosang pumailanlan
Ganda mong lagi kong natatanaw
Ngiti mong pangumpleto ng araw
Sa aking buhay, ikaw ang tanglaw
Kaya't sana'y ika'y wag maagaw
Nasambit ko sayo ang katagang "maaari bang manligaw?"
Agad namang sagot ay "oo naman"
At doon na nga nagsimula ang pagiibigan
Na tila sa pelikula ng matatagpuan
Binigay ko lahat ng aking makakaya
Kapalit ng iyong matamis na oo
Araw-araw kang pinaliligaya
Para sa pagmamahal mong isusukli sa akin
Nang dumating na nga ang araw na aking pinakahihintay
Matamis mong oo ay saki'y ipinagkaloob mo na
Pakiramdam ko ako'y nasa langit
Sa sobrang sayang nakamit.
Pag-iibigan nati'y kala ko magiging maganda
Yun pala'y puros awayan ang katapatm sa tuwina.
Daig pa ang isang bayang dinaan ng sigwa
Kailan ba tayo magsasawa aking Maria?
Alam kong mahirap magdesisyon
Ngunit kung ito naman ang naaayon
Kayat mabuti pa nga'y tayo na't maghiwalay na
Nang matapos na ang away nating kasinhaba ng nobela
Ayan na't ako'y magpapaalam na
Ayan na't ako'y magpapaalam na
Kaya't sana'y matanggap mong tayo'y wala na.
Saguro nga't umibig tayo ng pabara-bara
Nang hindi nalalamang tayo palay nakalaan para sa iba.
No comments:
Post a Comment